₱2.6M SHABU, NASAMSAM sa magkahiwalay na operasyon sa Ilo-Ilo; 3 drugs suspects, arestado
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Rex”, 42-anyos at isang High-Value Individual; alyas “Sam”, 26-anyos na isa ring HVI; at alyas “Itik”, 34-anyos na kabilang naman sa Street-Level Individual.
Unang naaresto si alyas “Rex” sa isinagawang buy-bust operation dakong 4:47 ng hapon sa Brgy. Calaboa, Leganes, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang runner. Ang suspek ay dati nang nahatulan sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at nakalaya sa parole.
Nasamsam mula sa kanya ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 335 gramo at nagkakahalaga ng ₱2,278,000, kasama ang buy-bust money at iba pang ebidensya.
Sa hiwalay na operasyon naman dakong 7:34 ng gabi sa Sitio Kalubihan, Brgy. Aspera, Sara, naaresto sina alyas “Sam” at alyas “Itik” sa joint operation ng mga operatiba. Narekober sa kanila ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na tinatayang 60 gramo at halagang ₱408,000, pati na ang buy-bust money. Umabot sa kabuuang halagang ₱2,686,000 ang mga nasamsam na ilegal na droga.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165.



Comments