₱2.8-M na Smuggled na Sigarilyo Kinumpiska ng awtoridad nang matagpuan na inabandona habang nagsasagawa ng patrolya sa Barangay Maganda, Lamitan City, Basilan
- Feb 23
- 1 min read
iMINDSPH

Aabot sa mahigit ₱2.8 million halaga ng pinaniniwalaang smuggled na sigarilyo ang kinumpiska ng pulisya matapos matagpuan ang mga ito na inabandona habang nagsasagawa ng mobile patrol sa Barangay Maganda
Inilagay ang mga suspected smuggled cigarettes sa animnapu’t pitong kahon.
Agad isinagawa ng awtoridad ang on-site inventory sa presensya ng mga kinatawan ng Barangay LGU upang matiyak ang tamang dokumentasyon at pagsunod sa itinakdang proseso.
Ang lahat ng mga nakuhang ebidensya ay maayos na itinurn-over sa Bureau of Customs–Basilan para sa kaukulang disposisyon at imbestigasyon.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable at posibleng sampahan ng kaso kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.



Comments