2 BABAE, 2 LALAKI ARESTADO! Kabilang ang drug den maintainer sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA BARMM sa Barangay Bagua 3, Cotabato City; Drug den, giniba ng awtoridad
- Feb 26
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Gail”, 50-anyos, babae at itinuturong drug den maintainer; alyas “Nhe”, 32-anyos na babae; alyas “Liit”, 18-anyos na lalaki; at alyas “Tha”, 40-anyos na lalaki.
Nasamsam sa operasyon ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang labindalawang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱81,600.00. Narekober din ang isang cellphone, iba’t ibang drug paraphernalia, isang identification card, at buy-bust money.
Sa gitna ng operasyon, isang suspek na kinilalang alyas “Mala” ang nagpaputok ng kalibre na baril at nakatakas. Gumanti ng putok ang mga operatiba at nagsagawa ng hot pursuit operation, ngunit hindi na ito naabutan.
Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Isinagawa ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency – BARMM Maguindanao del Norte Provincial Office, katuwang ang iba’t ibang yunit kabilang ang Cotabato City Police Office at iba pang law enforcement units sa rehiyon.



Comments