top of page

2 BIFF MEMBERS, SUMUKO bitbit ang mga matataas na kalibre ng armas

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Kidapawan City dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang boluntaryong sumuko at isinuko ang mga high-powered explosives sa isinagawang joint intelligence operation ng pulisya. Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Yas” at alyas “Sad”, kapwa miyembro ng BIFF sa ilalim ng Bungos Faction.


Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang boluntaryong pagsuko sa tanggapan ng PSMU sa Brgy. Amas.


Kabilang sa mga isinuko ang dalawang rifle grenades na may RPG launcher, isang rocket-propelled grenade o anti-tank RPG na may launcher.


Ang mga nasabing pampasabog ay agad na itinurn-over sa Cotabato Provincial Explosives Ordnance Disposal and Canine Unit para sa tamang paghawak at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page