2 Chinese National, arestado at mahigit ₱8 milyong halaga ng puslit na sigarilyo, narekober sa checkpoint sa Labrador, Pangasinan
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang dalawang chinese national at napigilan ng Philippine National Police ang isang umano’y ₱8 million smuggling scheme matapos masabat sa checkpoint ang isang van na kargado ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo.
Sa report ng PNP, pinara ang isang closed van para sa inspeksyon. Sa loob ng sasakyan, nadiskubre ng mga pulis ang 101 kahon ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na walang maipakitang kaukulang dokumento.
Ayon sa ulat, ang mga nakumpiskang sigarilyo ay binubuo ng 5,050 reams na may tinatayang halagang ₱8.05 milyon. Agad na inaresto ang dalawang Chinese national na sakay ng sasakyan.
Ang mga nasamsam na sigarilyo ay isinailalim na sa kustodiya ng awtoridad at ihahanda para sa turnover sa Bureau of Customs para sa case build-up at wastong disposisyon.



Comments