top of page

2 DRUG PEDDLER, ARESTADO Sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Davao City

  • Mar 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang dalawang hinihinalang drug peddler matapos maaktuhan sa bentahan ng ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng pulisya.


Nakumpiska sa mga suspek ang mga sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱142,800.


Bandang 2:10 ng madaling araw ng March 4, 2026 nang isagawa ang buy-bust operation ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit/Special Operations Group ng Davao City Police Office katuwang ang Regional Police Drug Enforcement Unit 11, 1st at 2nd City Mobile Force Company, Buhangin Police Station, at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region XI.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang buy-bust operation ay isa sa mga pangunahing paraan ng mga awtoridad upang mahuli ang mga sangkot sa bentahan ng ilegal na droga.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page