top of page

2 drug peddlers, arestado sa Lambayong, Sultan Kudarat; ₱377,400.00 na halaga ng hinihinalang shabu nasamsam ng awtoridad sa operasyon

  • Teddy Borja
  • 4 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang dalawang lalaki sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat sa ikinasang buy-bust operation. Nasamsam din sa operasyon ang mahigit tatlong daang libong piso na halaga ng suspected shabu.


Kinilala ang dalawang drug suspect na sina alyas “Odin”, 29 anyos, residente ng Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur, at alyas “Lino”, 27 anyos, residente ng Talayan, Maguindanao del Sur.


Narekober sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 55.5 gramo, na may tinatayang National Standard Drug Price na ₱377,400.00.


Nasa kustodiya na ng Lambayong MPS ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page