top of page

Vendor, arestado sa General Santos City matapos nakawin ang motorsiklo na nakaparada sa daan

  • Teddy Borja
  • 4 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa General Santos City-

Arestado ang isang vendor matapos nakawin ang motorsiklo na nakaparada sa daan


Ang naarestong suspek na kinilalang si alyas “Ogie”, 31 taong gulang, isang vendor at residente ng Barangay South, General Santos City.


Lumabas sa ulat ng pulisya, na isang alyas na "Arman" ang nag-ulat ng pagnanakaw ng kanyang motorsiklo, na nakaparada sa kahabaan ng Marang Street sa Barangay Dadiangas South.


Matagumpay na naharang ng rumespondeng team ang suspek sa kahabaan ng Macopa Street, Barangay Dadiangas North, na nagresulta sa agarang pagkakaaresto nito at pagkarekober ng ninakaw na motorsiklo.


Sa standard body search, isang sachet ng hinihinalang shabu na nakatago sa kahon ng posporo ang nakuha sa suspek.


Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Police Station 1, GSCPO, para sa kaukulang disposisyon. Ang pinaghihinalaang ebidensya ng droga ay isusumite sa RFU 12 para sa forensic examination.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page