Pagsasailalim sa COMELEC control sa mga bayan ng Buluan, Maguindanao del Sur at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, pinag-aaralan na ng COMELEC na tanggalin
- Diane Hora
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigpit na tinututukan ng COMELEC ang mga kaganapan sa bayan ng Buluan, Maguindanao del Sur at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, bago tuluyang magpasya na tanggalin na ang pagsasailalim sa COMELEC control sa dalawang bayan.

Sa ngayon, ayon kay COMELEC Chairman Garcia, sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas, nakikita ng komisyon na wala nang rason para isailalim sa COMELEC control ang dalawang bayan.
Sinabi ni Garcia sa report na hindi patas para sa dalawang munisipyo kung magtatagal pa aniya ang COMELEC control at baka akalain aniya na magulo sa mga nabanggit na lugar.
Isinailalim ang Buluan sa COMELEC control noong panahon ng May 2025 elections dahil sa mga naitalang kaso ng pamamaril sa bayan.
Habang ang bayan ng Datu Odin Sinsuat ay isinailalim sa COMELEC control kasunod ng naganap na ambush kung saan nasawi ang isang election officer at asawa nito.
Comments