Lalaki sa Isulan, Sultan Kudarat, arestado sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act
- Teddy Borja
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa bayan naman ng Isulan, Sultan Kudarat
Timbog ang isang lalaki sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Kinilala ang suspek na si alyas “Nonot”, residente ng Kalawag 1, Isulan, Sultan Kudarat.
Nanuli ang suspek araw ng Sabado, June 28 kung saan narekober sa operasyon ang sampung sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 50 gramo na may tinatayang National Standard Drug Price na ₱340,000.00, drug paraphernalia.
Ayon sa awtoridad, nahulihan din ang suspek ng isang improvised bolt-open 12-gauge pistol.
Dinala sa Isulan MPS ang naarestong suspek at lahat ng nakumpiskang gamit para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Opmerkingen