2 drug peddlers, tiklo sa buy-bust operation sa Davao City; Mahigit ₱108K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang dalawang umano'y drug peddler matapos masamsam ng awtoridad ang mahigit ₱108,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation ng Davao City Police Office.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Negra” at “Joel”.
Nasamsam mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may tinatayang street value na mahigit ₱108,460.
Haharap sa kaukulang kaso ang mga suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments