2 DRUG PERSONALITIES, ARESTADO Sa isinagawang police operation sa Parang, Maguindanao del Norte
- Mar 6
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Nor”, 27 taong gulang, may asawa, at alyas na “Abo”, 22 taong gulang, binata. Pareho residente ng nasabing barangay.
Nasamsam mula sa kanilang pag-iingat ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng pulisya at isasailalim sa laboratory examination ng Provincial Forensic Unit ng Maguindanao del Norte.
Samantala, dinala rin sa police station ang mga suspek para sa booking at documentation at sasailalim sa drug testing.
Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments