2 drug suspect, arestado sa joint anti-illegal drugs operation sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte; shabu at motorsiklo, nasamsam
- Teddy Borja
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang joint buy-bust operation ng awtoridad sa bayan ng Sultan Mastura.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ben”, 22-anyos, at isang 20-anyos na lalaki, kapwa binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Simuay Seashore.
Matagumpay na nakabili ang police poseur-buyer ng dalawang heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang limang gramo at tinatayang halagang ₱34,000.00.
Narekober din mula sa mga suspek ang buy-bust money, ilang drug paraphernalia, at isang motorsiklo na ginamit umano sa transaksyon.



Comments