2 drug suspects, arestado sa Midsayap, Cotabato; Hinihinalang marijuana, nasamsam
- Max Patricio
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang dalawang drug suspects matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Midsayap.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Biboy”, 24-anyos, binata, walang trabaho at residente ng Barangay Central Katingawan, Midsayap, Cotabato, at alyas “GM”, 18-anyos, binata, walang trabaho at residente ng Barangay Villarica, Midsayap, Cotabato.
Matapos ang operasyon, agad na inaresto ang mga suspek. Nakumpiska mula sa kanila ang isang pakete ng hinihinalang marijuana na may timbang na humigit-kumulang 4.36 gramo at tinatayang halagang ₱523.00, pati na ang buy-bust money.
Isinagawa ang joint buy-bust operation ng mga tauhan ng Midsayap Municipal Police Station–Municipal Drug Enforcement Unit, katuwang ang mga partner units at PDEA Region 12.
Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Midsayap Municipal Police Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165.



Comments