2 drug suspects, arestado sa search warrant operation sa Koronadal City; ₱74K halaga ng suspected shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- Feb 2
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang dalawang drug suspects matapos makumpiskahan ng mahigit ₱74,000 halaga ng hinihinalang shabu sa search warrant operation sa Barangay Esperanza.
Knilala ang mga suspek sa alyas na “Win-win” at “Gaga” dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasamsam mula sa mga suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 10.9 gramo at tinatayang street value na ₱74,120.00, gayundin ang isang black sling bag at isang maliit na piraso ng puting papel.
Isinagawa ang operasyon alas-6:04 ng umaga ng January 30, 2026 ng magkasanib na puwersa ng Koronadal City Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, at 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 12.
Ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay agad na dinala sa Koronadal City Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.
Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga suspek sa paglabag sa R.A. 9165.



Comments