top of page

2 Drug Suspects huli sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Union, Monkayo, Davao de Oro; suspected shabu at buy-bust money, nasamsam

  • Feb 25
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang dalawang hinihinalang drug suspects sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Union.


Naaresto sa operasyon sina alyas “Totong” at “Noel”. Nakumpiska sa posesyon ng mga suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba pang personal na gamit at drug paraphernalia.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Monkayo Municipal Police Station ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Isinagawa ang operasyon ng Davao de Oro Police Provincial Office, Monkayo Municipal Police Station – Municipal Drug Enforcement Unit, katuwang ang 1st Davao de Oro Provincial Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page