2 grupo na matagal nang may alitan sa Tabuan Lasa, Basilan, nagkaayos na sa pamamagitan ng amicable settelement at reconciliation sa pangunguna ng provincial government, LGU Tabuan Lasa, AFP at PNP
- Diane Hora
- Oct 27
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pangunguna ni Basilan Governor Mujiv Hataman, katuwang ang 101st Infantry Brigade at Basilan Police Provincial Office, isinagawa araw ng Huwebes, a bente tres ng Oktubre, 2025, sa Barangay Kaumpurnah, Tabuan Lasa ang pormal na pagkakasundo sa pagitan nina Bassal Sawadjaan at dating Mayor Muctar “Pusong” Junaid.
Layunin ng amicable settlement na tuluyang wakasan ang matagal nang “pagbanta” o clan feud sa lugar, na muling sumiklab matapos ang isang insidente noong August 30, 2025.
Sa bisa ng kasunduan, isinaayos ng dalawang panig ang alitan at piniling pairalin ang kapayapaan at pagkakaisa para sa ikabubuti ng kanilang mga komunidad.
Binigyang diin ni Gov. Hataman, na ang tunay na pamumuno ay nasusukat sa kakayahang pag-isahin ang mga tao para sa kapayapaan at kaunlaran.
Hinimok din ng gubernador ang mga mamamayan na pairalin ang pag-unawa, pagtitimpi at pagkakaisa sa halip na alitan.
Nakiisa sa makasaysayang reconciliation ang mga opisyal ng Basilan Police Provincial Office at mga kinatawan ng AFP, MNLF, lokal na pamahalaan at mga lider ng komunidad.
Pinuri naman ng militar ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor tungo sa kapayapaan, habang tiniyak naman ng PNP ang buong suporta sa mga inisyatibong nagtataguyod ng reconciliation at peacebuilding.
Ang makasaysayang pagkakasundong ito ay simbolo ng panibagong yugto ng pagkakaisa sa Basilan.
Sa kanyang 100 araw na ulat, binigyang-diin ni Gov. Hataman ang tagumpay ng iba pang mga reconciliation sa pagitan ng mga nag-aaway na angkan kung saan ilan sa mga ito ay dekada nang pagbanta na tuluyan nang natuldukan sa ilalim ng kanyang administrasyon.



Comments