top of page

2 high powered firearms at 2 short firearms, nakumpiska ng mga tauhan ng PNP PRO BAR sa COMELEC checkpoint operation sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur; 2 lalaki, arestado

  • Sep 17, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang dalawang lalaki sa COMELEC checkpoint operation sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur matapos makumpiska sa kanilang sinasakyang pick-up ang dalawang high-powered firearms at dalawang short firearms.


Kinilala ang mga nahuli sa alyas na “Musa” at “Norodin”.


Inaresto ang mga ito, araw ng Lunes, September 15 sa Barangay Sambulawan.


Ito’y matapos walang maipakitang dokumento ang mga ito na magpapatunay na sila ang legal na may-ari ng mga nakumpiskang baril.


Haharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, gayundin ang paglabag sa COMELEC Gun Ban.


Kasama ng mga nakumpiskang armas, ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Datu Salibo Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


Pinuri ni PBGEN Jaysen De Guzman, Regional Director ng PRO BAR, ang kasipagan at dedikasyon ng mga operatiba. Kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng mahigpit na pagsunod sa mga protocol ng checkpoint bilang bahagi ng tuloy-tuloy na adbokasiya ng PRO BAR sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page