2 High-Value Target sa Banga, South Cotabato, arestado ng awtoridad sa buy-bust operation
- Teddy Borja
- Oct 13
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado sa buy-bust operation ang dalawang High-Value Targets.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Pogi”, 33 taong gulang, at alyas “Bart”, 21 taong gulang, kapwa residente ng barangay Rizal ng bayan.
Isinagawa ang buy-bust operation, araw ng Biyernes, October 10 sa nasabing barangay.
Isa pang suspek ang nadakip sa nasabing operasyon.
Nasamsam mula sa mga suspek ang tinatayang 18 sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 16 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱108,800 batay sa National Standard Drug Price.
Narekober rin ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu, isang aluminum foil strip, dalawang improvised tooter, dalawang disposable lighter, isang improvised lighter, isang gunting, at isang ₱1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang lahat ng naarestong suspek at nakumpiskang ebidensya ay agad na dinala sa opisina ng PDEA South Cotabato para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.



Comments