2 indibidwal, arestado matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Barangay Poblacion 7, Cotabato City
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang indibidwal ang nadakip matapos mahulihan ng pinaniniwalaang ilegal na droga sa isinagawang routine patrol ng awtoridad
Bandang 12:29 ng madaling araw ng January 22, dinala ng mga opisyal ng Barangay Poblacion 7 sa Police Station 1, Cotabato City ang dalawang suspek matapos mahulihan ng pinaniniwalaang shabu.
Habang nagsasagawa umano ng routine patrol ang mga barangay officials sa kanilang area of responsibility, namataan nila ang mga suspek na nakatayo sa isang madilim na eskinita sa Purok Mapayag, nang lapitan ng mga opisyal, nagtangka umanong tumakas ang mga suspek, dahilan upang sila ay habulin at tuluyang maaresto.
Sa isinagawang pag-iinspeksyon, narekober mula sa mga suspek ang isang maliit na glass tube na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, na may tinatayang timbang na 0.05 gramo at halagang ₱340.00 base sa standard drug price, pati na rin ang isang improvised glass tooter.



Comments