2 indibidwal, arestado sa buy-bust operation sa Lambayong; ₱136K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga ang naaresto ng mga awtoridad matapos masamsaman ang ₱136,000.00 halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation.
Naaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Bandoy”, 27 taong gulang, at alyas “Junie”, 61 taong gulang, kapwa residente ng Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat, at kapwa itinuturing na street-level drug peddlers.
Ang mga suspek ay agad na dinala sa Lambayong Municipal Police Station para sa wastong disposisyon, habang ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu ay minarkahan at isusumite sa Sultan Kudarat Provincial Forensic Unit para sa qualitative at quantitative examination.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek, na ihahain sa Office of the Provincial Prosecutor.



Comments