2 indibidwal, arestado sa buy-bust operation sa Surallah, South Cotabato; Baril at pinaniniwalaang shabu, nasamsam sa operasyon
- Teddy Borja
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang naaresto na si alyas “Buktot”, binata, at residente ng Surallah, South Cotabato.
Sa operasyon, nakabili ang isang poseur-buyer mula sa suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Kasunod nito ay sinundan ng body search ng awtoridad ang suspek na nagresulta sa pagkakakumpiska ng Php1,000 bill, 4,000 pesos boodle money, isang cellphone, at isang brown sling bag.
Nadakip din sa operasyon ang kasama ng suspek na kinilalang si alyas “Bentot”, binata, at residente ng Surallah, South Cotabato.
Narekober ng mga awtoridad ang isang homemade single-shot pistol na nakasukbit sa kanyang baywang, kargado ng isang live ammunition ng 5.56mm caliber, kasama ang isang live ammunition ng parehong kalibre na natagpuan sa kanyang bulsa.
Agad na dinakip ang dalawang suspek at dinala sa Surallah MPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya.
Comments