High Value Individual, arestado sa anti-illegal drug operation sa Surigao City; 102K halaga ng shabu nasamsam ng awtoridad
- Teddy Borja
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang High value individual sa isinagawang anti-illegal drug operation ng awtoridad. Nakumpiska rin sa operasyon ang mahigit isang daang libong piso na halaga ng pinaniniwalaang iligal na droga
Kinilala ang supek na si alyas “Junjun,” 44 taong gulang.
Ikinasa ang operasyon, araw ng Lunes, May 19 sa Taft, Surigao City
Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Surigao City Component Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency Surigao del Norte Provincial Office.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments