MILF CENTRAL COMMITTEE RESOLUTION
- Diane Hora
- 22 minutes ago
- 3 min read
iMINDSPH
Sa official facebook page ni Al Haj Murad Ebrahim na MILFchairmanOfficial kaninang umaga-
Ipinost ang bagong inisyu na resolusyon ng MILF Central Committee.
Ito ang Resolution No. 03 Series of 2025 kung saan muling iginiit ang kanilang posisyon hinggil sa appointments sa Bangsamoro Transition Authority na inisyu ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na anila’y hindi naayon sa listahan na isinumite ng MILF.
Ito’y kasunod ng Resolution No. 001 series of 2025 na inisyu rin ng Central Committee kung saan kanila ring iginiit kay Pangulong Marcos Jr. ang rekomendasyon ng listahan ng 41 nominees mula sa Moro Islamic Liberation Front at reappointment ni Ahod Balawag Ebrahim bilang Interim Chief Minister ng Bangsamoro Government sa pinalawig na transition period hanggang Oktubre ngayong taon alinsunod sa enactment ng Republic Act No. 12123.
Ayon sa resolusyon-
March 3, 2025 nang ma-appoint ang noo’y appointed governor ng Maguindanao del Norte, Abdulraof Macacua bilang Interim Chief Minister ng Bangsamoro Transition Authority.
Pinalitan nito si MILF Chairman Ahod Ebrahim, na nagsilbing ICM mula March 2019.
Napalitan bilang sitting MILF members ng Parliament sina Ustadz Ibrahim Ali, Engr. Aida Silongan, Amroussi Macatanong, Prof. Eddie Alih, at Atty. Mary Ann Arnado.
Habang ang MILF nominees, tulad ni Dr. Lampa Pandi at Dr. Mozzamel Hussein ay hindi naapoint bilang MP ayon sa resolusyon.
Ang new appointments na pumalit sa MILF-nominated MPs ayon sa resolusyon ay inisyu ng walang konsultasyon at sa kabila ng endorsement ng MILF Central Committee ng kanilang list of nominees hanggang matapos ang extended transition period ng BTA sa October 2025;
Dagdag pa sa resolusyon na ang MILF, bilang organisasyon ay sumusunod sa prinsipyo na nakatuon sa kanilang idolohiya at pakikibaka para sa makahulugan na self-determination kaya bawat desisyon ay alinsunod sa consensus anila ng MILF Central Committee.
Sa ilalim ng Section 2, Article XVI ng Bangsamoro Organic Law ayon sa resolusyon-
Nakasaad umano na ang MILF ang mangunguna sa BTA, bilang interim Bangsamoro Government sa kabuuan ng transition period nang hindi naaapektuhan ang pakikilahok ng Moro National Liberation Front.
Bagma’t kinikilala umano ng MILF Central Committee ang appointing power ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, anumang desisyon anila na may kaugnayan sa MILF representation sa BTA alinsunod sa nabanggit na probisyon ay ang MILF Central Committee anila ang tutukoy kabilang dito kung sino ang i-endorsong ICM at Members ng BTA Parliament;
Nakasaad din sa resolusyon na nagpadala na ng sulat si MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim kay Pangulong Marcos Jr na may petsa na March 7, 2025 sa pamamagitan ni Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr., na buong paggalang na naglahad ng obserbasyon hinggil sa transmitted list ng new Members ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament partikular sa pangalan ng 41 MILF nominees kasunod ng enactment ng Republic Act (RA) No. 12123 ay lumalabas na hindi naayon sa submitted list mula sa MILF;
Ikinumpara rin sa resolusyon na sa nagdaang dalawang appointment cycles sa panahon ni dating President Rodrigo Duterte at sa administrasyon ni President Marcos Jr., binigyang anila ng due acknowledgement ang 41 nominees na inendorso ng MILF.
Wala rin anilang sagot ang Pangulo sa sulat na ipinadal ni MILF Chairman Murad na humihiling ng reconsiderasyon sa appointments sa ngalan ng spirit of cooperation at partnership, at upang mapababa ang anilay uncontrollable sentiments mula sa MILF ranks.
Ang resolusyon ay inapubahan ng Central Committee ng MILF noong a-2 ng Mayo 2025 sa ipinatawag na Special Meeting bng Central Committee sa Camp Darapanan, Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.




Comments