21 ambulansiya at 3 mobile clinic, ipinamahagi ng MOH sa napiling benepisyaryo ng mga miyembro ng BTA Parliament
- Diane Hora
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal na isinagawa ngayong araw ang turnover ng dalawampu’t isang ambulansiya at tatlong mobile clinic sa Ministry of Health BARMM office.

Ipinamahagi ito ng MOH sa mga napiling benepisyaryo ng mga miyembro ng BTA Parliament sa ilalim ng kanilang Transitional Development Impact Fund 2024.

Bawat ambulansiya ay nagkakahalaga ng 3 million pesos at 10 million pesos naman ang halaga ng bawat mobile clinic.

Isa ang tanggapan ni Member of Parliament Hashemi Nur Dilangalen na nag bigay ng ambulansiya sa Barangay Dados, Datu Odin Sinsuat Municipal Health at sa Cotabato Sanitarium and General Hospital.

Nagpapasalamat naman ang Chief of hospital ng Cotabato Sanitarium and General Hospital na si Ibrahim Pangato Jr. at ang Municipal Health officer ng Datu Odin Sinsuat na si Anwar Nur.

Comments