top of page

2 indibidwal, arestado sa ikinasang operasyon ng awtoridad sa Guindulungan, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • Sep 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang dalawang indibidwal sa ikinasang operasyon ng awtoridad.


Target ng awtoridad ang isang alyas “Dok” sa pagsisilbi ng warrant of arest, araw ng Huwebes, sa Barangay Tambunan II, Guindulungan.


Pero ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, habang papalapit umano ang mga operatiba sa lokasyon ng nasabing wanted person, isang lalaki na kinilalang si alyas “Mohammad” ang nagtangkang itapon ang isang itim na chest bag.


Nang siyasatin umano, ito ay naglalaman ng hinihinalang shabu.


Samantala, isa pang suspek na kinilala bilang alyas “Morcid” ang naabutan na nagtatago malapit sa bahay ni Mohammad at nahulihan din ng iligal na droga.


Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuling indibidwal.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page