top of page

2 indibidwal, arestado sa Lake Sebu, South Cotabato sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad; Baril, nakumpiska rin sa operasyon

  • Teddy Borja
  • Oct 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang dalawang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa bayan ng Lake Sebu. Nakumpiska rin sa mga ito ang isang baril.


Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Den-Den”, at alyas “Mike”, parehong residente ng Barangay Takunel ng bayan.


Inaresto ang mga ito alas 12:50 ng hapon, araw ng Martes, September 30 sa Poblacion ng bayan.


Nakumpiska sa mga ito ang buy-bust money, isang baby armalite at magasin, gayundin ang dalawang cellphone.


Sa report ng awtoridad, nahuli ang mga ito aktong nagbebenta at nagmamay-ari ng hindi lisensyadong baril at nabigong magpakita ng kaukulang dokumento.


Ang mga naarestong indibidwal at nakumpiskang items ay dinala sa CIDG 12 South Cotabato PFU para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page