top of page

2 indibidwal, arestado sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad sa South Cotabato

  • Teddy Borja
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasamsam ang hinihinalang shabu at naaresto ang isang wanted person sa dalawang magkahiwalay na anti-illegal drugs operations ng pulisya.


Ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant sa Barangay New Dumangas, T’boli. Narekober ang hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 0.31 gramo, kasama ang iba pang drug-related items.


Samantala, bandang hapon ng parehong araw, naaresto naman sa Barangay Dajay, Surallah ang isang indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kung saan walang inirekomendang piyansa.


Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa wastong disposisyon at pagsasampa ng kaukulang mga kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page