top of page

2 indibidwal, arestado sa Polomolok, South Cotabato kasunod ng pagkakakumpiska ng mga puslit na sigarilyo; Isa pang lalaki, timbog naman sa Koronadal City matapos makuhanan ng hindi lisensiyadong bari

  • Jan 6
  • 1 min read

iMINDSPH


Arestado ang tatlong indibidwal sa magkakahiwalay na anti-smuggling at anti-illegal firearms operations na ikinasa ng awtoridad.


Dalawang lalaki ang arestado matapos makumpiska ang iba’t ibang uri ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱11,080.00 sa bayan ng Polomolok, araw ng Linggo, January 4.


Agad dinala na sa Polomolok MPS ang mga suspek para sa booking procedures.


Haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 10643 o Graphic Health Warning Law.


Ang mga nasamsam na kontrabando ay isusuko sa Bureau of Customs–General Santos City para sa wastong disposisyon.


Samantala, bandang alas-4:45 ng hapon, rumesponde ang Koronadal City Police Station sa ulat ng isang concerned citizen na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaki na nahulihan ng hindi lisensiyadong caliber 38 revolver na may apat na bala.


Isinailalim sa medical examination ang suspek, at kasalukuyang Nakadetine.


Haharap naman ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page