2 INDIBIDWAL, KABILANG NA ANG ISANG DRIVER, ARESTADO sa anti-illegal drug operation sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte; Suspected shabu, nakumpiska
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte —
Dalawang indibidwal kabilang na ang isang driver ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Barangay Crossing Simuay.
Naganap ang operasyon sa Sitio Abubakar, Barangay Crossing Simuay ng bayan, ala 7:30 ng gabi, araw ng Huwebes, April 2.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Said”, 23-anyos, driver, at alyas “Tat”, 20-anyos, walang trabaho. Kapwa residente ang mga ito ng Barangay Darapanan.
Nauna nang inaresto ang mga ito ng isang barangay kagawad dahil sa pag-iingat ng hinihinalang iligal na droga, bago tuluyang naaresto ng mga pulis.
Sa operasyon, nakumpiska ang labindalawang sachets ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 1.13 gramo at nagkakahalaga ng humigit-kumulang pitong libo’t walong daang piso.
Narekober din ang isang driver’s license na pagmamay-ari ng isa sa mga suspek, at isang cellphone.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.



Comments