top of page

2 KOREAN FUGITIVES, ARESTADO! sa operasyon ng pulisya sa Angeles City, Pampanga dahil sa kasong fraud at illegal online gambling

  • Mar 27
  • 1 min read

iMINDSPH

Ang mga suspek ay edad 45 at 33. Isinagawa ang magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad mula alas-9:50 ng umaga hanggang alas-1:30 ng hapon sa Kampupot Street at Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga.


Ang isa sa mga suspek ay wanted sa kasong illegal online gambling habang ang isa naman ay nahaharap sa kasong fraud at kabilang sa Interpol Red Notice. Napag-alaman din na overstaying na ang dalawa sa Pilipinas.


Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG, Bureau of Immigration–Fugitive Search Unit, katuwang ang international law enforcement partners.


Matapos ang operasyon, agad na isinuko ang mga naarestong dayuhan sa Bureau of Immigration para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso, kabilang ang posibleng deportation.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page