top of page

2 lalaki, arestado matapos umanong bumunot ng baril ang isa sa mga ito nang tanuningin ng mga pulis ang pangalan at hiniling na buksan ang bag sa checkpoint operation sa Marawi City

  • Jan 15
  • 1 min read

iMINDSPH


Dalawang lalaki ang arestado matapos umanong bumunot ng baril sa isang checkpoint operation.


Ayon sa ulat ng pulisya, bandang 11:30 ng gabi nang magsagawa ng checkpoint operation ang mga tauhan ng Marawi City Police Station sa Barangay Cadayonan II.


Tumanggi umanong magpakilala ang dalawang indibidwal.


Nang hiniling ng mga pulis na buksan ang bag nito, bigla umanong bumunot ng baril ang isa sa mga suspek.


Agad na inaresto ang dalawa. Sa isinagawang search, narekober ang isang caliber .45 pistol, mga bala, identification cards, isang sling bag, at dalawang cellular phones.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong Illegal Possession of Firearms sa ilalim ng Republic Act 10591, gayundin ng Direct Assault laban sa mga pulis sa ilalim ng Article 148 ng Revised Penal Code.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page