2 lalaki, arestado ng awtoridad sa Datu Unsay, Maguindanao del Sur sa ikinasang firearms entrapment operation
- Sep 18, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ng awtoridad ang dalawang lalaki dahil sa ikinasang firearms entrapment operation.
Inaresto ang mga suspek alas 9:35 ng umaga, araw ng Miyerkules, September 17 sa Datu Unsay Public Market, Barangay Meta.
Kabilang sa mga nakumpiskang baril ang multiple upper at lower receivers para sa caliber 5.56mm rifles, isang red Ford Escape XLT, boodle money na nagkakahalaga ng PhP 600,000.00, at marked money.
Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensiya ay itinurn over na sa CIDG RFU BAR para sa proper documentation at paghahain ng kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.



Comments