top of page

2 lalaki, arestado ng mga tauhan ng PNP PRO BAR sa anti-illegal drug operation sa Maluso, Basilan; P240K halaga ng suspected shabu, nasamsam

  • Teddy Borja
  • Aug 26
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO BAR ang 204 thousand pesos na halaga ng suspected shabu sa anti-illegal drug operation sa bayan ng Maluso.


Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Bob” at “Rambo” kapwa nasa wastong gulang.


Nasamsam din sa operasyon ang isang kalibre .45 na baril.


Hinuli ang mga ito, araw ng Lunes, August 24 sa Barangay North Gaunan.


Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen. Nahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu ang mga suspek.


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Maluso Municipal Police Station ang mga suspek kasama ang nakumpiskang droga at baril para sa tamang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page