2 lalaki kabilang ang isang menor de edad, arestado dahil sa Qualified Trespass to Dwelling at paglabag sa Republic Act 9165 sa Upi, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- Sep 4
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ng awtoridad ang dalawang lalaki kabilang na ang isang menor de edad dahil sa Qualified Trespass to Dwelling at paglabag sa Republic Act 9165.
Nangyari ang insidente sa Purok Duranta, Barangay Kibleg, Upi, Maguindanao del Norte dakong ala-1:10 ng madaling-araw ng Setyembre 3, 2025.
Ayon sa ulat, pumasok nang walang pahintulot sa tahanan ni Kibleg Barangay Captain Danilo Pendergat Amis ang mga suspek.
Matapos madakip at dalhin sa Upi Municipal Police Station, isinagawa ang isang consented body search na nagresulta sa pagkakarekober ng tig-iisang maliit na sachet ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek, na may kabuuang timbang na 0.06 gramo at tinatayang halagang ₱408.
Nakumpiska rin ang ilang gamit tulad ng isang brown pouch, isang orange na lighter, at isang P50 bill na ginamit upang itago ang kontrabando.
Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Upi MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.



Comments