top of page

2 lalaki kabilang na ang isang mekaniko, tiklo sa buy-bust operation ng awtoridad sa Koronadal City, South Cotabato

  • Teddy Borja
  • Aug 6
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa Koronadal City, South Cotabato

Timbog ang dalawang lalaki, kabilang na ang isang mekaniko sa ikinasang buy-bust operation sa awtoridad.


Ikinasa ang operasyon alas 10:59 ng gabi, araw ng Lunes, Agosto a-4 sa Purok Bumanaag, Barangay Zone 3 ng nasabing lungsod.


Kinilala ang mga naaresto sa alyas “Tor”, 58 anyos, may asawa, mekaniko, at residente ng Barangay Zone 4, at alyas “Vice”, 51 anyos, may asawa, at residente ng Barangay Zone 3.


Parehong nasa Station Level Illegal Drug Watchlist ang dalawa.


Samantala, isang kasamahan nilang si alias “Tisoy” ang nakatakas matapos tumakbo sa madilim na bahagi ng lugar.


Nasamsam mula sa mga suspek ang apat na heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php102,340.00, at isang Php500 bill na ginamit bilang marked buy-bust money.


Ang mga suspek at mga ebidensiyang nakumpiska ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Koronadal City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.


Pinuri naman ni PBGEN Romeo Macapaz, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mabilis at matagumpay na operasyon ng mga pulis.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page