2 lalaki, sugatan matapos pagbabarilin habang sakay ng kotse sa Barangay Tuka, Mamasapano, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Aug 5
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang mga biktima na sina Roy at Mohammad kapawa nasa tamang edad, at pawang residente ng Comlumbio Sultan Kudarat.
Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, habang binabaybay ng mga biktima ang Barangay, Tukanalipao, pinagbabaril sila ng hindi pa kilalang suspek pagdating sa Barangay Tuka, Mamasapano.
Dagdag ng awtoridad base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, sakay umano ang mga suspek ng puting mini van.
Bagama’t nagtamo ng tama ng bala, pinilit pa rin umano ng mga biktima na makalayo sa lugar at makahingi ng tulong.
Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad at patuloy ang imbestigasyon hinggil sa insidente. Wala naman basyo ng bala ang nakita sa pinagyarihan ng krimen.



Comments