top of page

‎2 lider ng MILF sa Talayan, Maguindanao del Sur na matagal nang may alitan, lumagda sa kasunduan upang wakasan ang hindi pagkakaunawaan

  • Jan 8
  • 1 min read

iMINDSPH



Tuluyan nang winakasan nina Commander Hermosa Utto (106th BC) at Commander Kagui Fahad Sapal (105th BC) ng MILF ang kanilang hindi pagkakaunawan.


Lumagda ang mga ito sa isang kasunduan, araw ng Miyerkules, January 7. Ang hakbang ay pinangunahan ni Governor Datu Ali Midtimbang.


Kabilang sa kasunduan ang pagsunod sa ceasefire agreement, panunumpa sa banal na Quran, at pinaigting na komunikasyon upang maiwasan ang anumang gulo.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, isa itong hakbang tungo sa matibay at pangmatagalang kapayapaan sa Mamasapano, Maguindanao del Sur.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page