top of page

2 magsasaka na kabilang sa listahan ng Top 9 at Top 10 Most Wanted Persons ng PNP PRO 12, arestado sa Esperanza, Sultan Kudarat

  • Diane Hora
  • Oct 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang dalawang magsasaka na kabilang sa Top 9 at Top 10 Most Wanted Persons ng PNP PRO 12.


Isinagawa ang operasyon, araw ng Martes, October 14, 2025 sa Sitio Ugis, Barangay Marguez, Esperanza, Sultan Kudarat.


Bandang 4:20 ng hapon, isinilbi ng mga operatiba ang Warrant of Arrest laban sa isang 25-anyos, may-asawa, at magsasaka para sa kasong Rape.


Ang warrant of arrest ay inisyu ng Presiding Judge ng RTC Branch 19, 12th Judicial Region, Isulan, Sultan Kudarat noong Setyembre 2, 2025.


Makalipas ang ilang minuto, bandang 5:00 ng hapon, nasakote rin ang isang 54-anyos na lalaki, may-asawa, at magsasaka, residente rin ng parehong lugar.


Ang suspek ay nahaharap din sa kasong rape.


Nasa kustodiya ng Esperanza MPS ang mga naaresto para sa kaukulang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page