2 magsasaka na Top 12 at Top 9 Most Wanted Persons ng PNP PRO 12, arestado sa Magsaysay, Davao del Sur
- Teddy Borja
- Sep 10
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng awtoridad sa Magsaysay, Davao del Sur ang dalawang magsasaka na Most Wanted Persons ng PNP Region 12.
Naaresto ang dalawang Most Wanted Persons, araw ng Martes, September 9 sa Barangay San Miguel ng bayan.
Ito’y kasunod ng serye ng police operations ng mga operatiba ng Columbio MPS, sa pakikipagtulungan ng 1202nd MC, RMFB12, CIDG SKPFU, at Magsaysay MPS.
Ala 1:05 ng hapon nang isilbi ang Warrant of Arrest laban sa 35 years old na akusado na residente ng nasabing lugar.
Nanaharap ito sa kasong murder. Ang warrant of arrest ay inisyu ng Acting Judge, Regional Trial Court, Branch 20, Tacurong City na may petsa na July 30, 2024.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ng Top 9 Most Wanted person.
Huli din ang 31 years old na magsasaka na residente ng Brgy. Tagaytay, Magsaysay, kahapon ng hapon.
Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inisyu ng parehong trial court na may parehang petsa na July 30, 2025 at wala ring inirekomendang piyansa.
Ang nahuli ay ang Top 12 Most Wanted ng PNP PRO 12.
Dinala na sa Columbio MPS ang mga ito para sa documentation at proper disposition.



Comments