top of page

2 MANGINGISDA ARESTADO Matapos mahulihan ng hinihinalang smuggled cigarettes sa Sarangani; Mga baril, nasamsam din

  • Apr 15
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Sarangani Province —

Tatlong indibidwal kabilang ang dalawang mangingisda ang arestado matapos masamsam ang hinihinalang smuggled cigarettes at mga baril sa operasyon ng pulisya. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Rody”, 56 anyos, may asawa, may-ari ng bahay at motorized bangka; alyas “Orly”, 30 anyos, binata, mangingisda, kapwa residente ng Brgy. Tambilil; at alyas “Tato”, 56 anyos, may asawa, mangingisda at residente ng Brgy. Sapu Masla, Malapatan, Sarangani Province.


Nagsasagawa ng pursuit operation ang mga tauhan ng Kiamba MPS kasama ang 2nd Sarangani Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, at 1204th Regional Mobile Force Battalion 12 bandang alas-9:28 ng gabi laban sa isang suspek na may warrant of arrest.


Habang nasa baybayin, namataan ng mga operatiba ang tatlong indibidwal na may dalang bagahe mula sa isang motorized bangka patungo sa isang bahay. Sa isinagawang inspeksyon, nakita sa loob ng mga dala nila ang hinihinalang smuggled cigarettes na nakabalot sa plastic.


Agad silang inaresto at sa beripikasyon, nadiskubre ang dalawang sako at dalawang kahon ng hinihinalang kontrabando.


Sa isinagawang search, nakumpiska ang kabuuang 313 reams ng sigarilyo na may tinatayang halagang ₱204,500.


Bukod dito, nasamsam din ang isang caliber .45 pistol na may magazine at limang bala, isang caliber .357 Magnum na may limang bala, isang homemade UZI-type firearm na may long magazine at labing-siyam na bala ng 9mm, isang jungle knife, at anim na bala ng 5.56.


Kasalukuyang sumasailalim sa booking at kaukulang pagsusuri ang mga suspek. Inihahanda na rin ang mga kasong paglabag sa Republic Act 10591, Republic Act 10643, Republic Act 10845, at Section 14(d) ng Republic Act 12022 laban sa kanila.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page