2 mangingisda sa Cotabato City kabilang sa 3 inaresto na nasa listahan ng Top 5 Most Wanted Provincial Level at Top 1 Most Wanted Municipal Level ng awtoridad
- Teddy Borja
- Aug 29
- 1 min read
iMINDSPH

Tatlong indibidwal ang arestado sa Cotabato City kabilang na ang dalawang mangingisda na kabilang sa listahan ng awtoridad na Top 5 Most Wanted Person at Top 1 Most Wanted.
Kinilala ang mga naarestong indibidwal na si alyas Sanip, 47 taong gulang, residente ng Sitio Siawan, Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte at alyas “Pe”, 32-anyos, residente ng Buaya-buaya, Barangay Kalanganan 2, Cotabato City at alyas “Fai”, 21 years old, residente ng Mother Kalanganan, Cotabato City.
Inaresto ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest sa ikinasang Manhunt Charlie Operation bandang alas-7:20 ng gabi, araw ng Miyerkules, Agosto a-27, 2025 sa Purok San Jose, MB Tamontaka, Cotabato City.
Ang tatlo ay nahaharap sa kasong Murder alinsunod sa Article 248 ng Revised Penal Code.
Dinala ang mga suspek sa Cotabato City Police Office para sa tamang dokumentasyon bago ang kaukulang disposisyon sa korte.



Comments