2 patay, 6 sugatan, 8 nakaligtas matapos tambangan ang isang van as Guindulungan, Maguindanao del Sur kagabi
- Teddy Borja
- Aug 26
- 1 min read
iMINDSPH

Pinaputukan ng hindi pa kilalang mga armado ang isang commuter van, ala 7:30 kagabi sa Barangay Bagan, Guindulungan.
Ayon sa awtoridad, labing anim ang sakay ng van.
Dalawa sa mga ito ang nasawi, anim ang sugatan at walo ang nakaligtas sa pananambang.
Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa awtoridad, patungo sa direksyon ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur ang sasakyan ng mangyari ang insidente.
Nagawa pa umano ng driver na imaneho ang sasakyan hanggang sa Datu Saudi Ampatuan Municipal Police Station.
Narekober sa crime scene ang maraming bala mula sa di matukoy na baril. Nasa kustodiya naman ng Datu Saudi MPS ang van.
Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen.



Comments