top of page

2 sports complex, itatayo sa dalawang bayan sa South Cotabato, iba pang programa sa edukasyon, pinaiigting ni Governor Reynaldo Tamayo Jr

  • Jan 14
  • 1 min read

iMINDSPH


​Sa pulong ni Governor Reynaldo Tamayo Jr., Schools Division Superintendent Leonardo Balala, at Assistant Schools Division Superintendent Levi Butihen, tinalakay ang mga plano para sa sektor ng kabataan.


Kabilang sa mga pangunahing plano ang pagtatayo ng dalawang karagdagang sports complex—isa sa Tupi para sa 1st District at isa sa Surallah para sa 3rd District—na kasalukuyang pinabibilis upang agad na masimulan at mapakinabangan ng mga kabataang atleta.


Bukod dito, inilatag rin ang iba pang mga programang pang-edukasyon at proyektong magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga mag-aaral, mula sa pagpapalakas ng learning support hanggang sa mga inisyatibang mag-uugnay ng edukasyon at sports bilang bahagi ng holistic youth development.


Muling iginiit ng pamahalaang panlalawigan ang pangako nitong magpatuloy sa koordinasyon at pagtutulungan sa mga ahensya ng edukasyon upang makapaghatid ng tama at maayos na serbisyo para sa bawat South Cotabateño.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page