top of page

2 SUSPEK, ARESTADO; ₱89K HALAGA NG SMUGGLED CIGARETTES, NASAMSAM sa isinagawang checkpoint at pursuit operation sa Glan, Sarangani

  • Apr 7
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Glan, Sarangani pa rin —

Dalawang indibidwal ang naaresto habang mahigit ₱89,000 halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasabat ng mga awtoridad sa checkpoint operation. Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Matcha” at “Lucinda”, kapwa residente ng Brgy. Pangyan, Glan, Sarangani.


Ayon sa ulat, isang motorsiklo ang tumakas sa checkpoint sa Brgy. Gumasa dahilan upang magsagawa ng dragnet at pursuit operation ang mga awtoridad.


Bandang 5:35 ng hapon, araw ng Biyernes, na-intercept ang naturang motorsiklo sa Purok Puting Bato, Brgy. Cablalan at ibinalik sa checkpoint para sa inspeksyon.


Sa isinagawang pagsusuri, nadiskubre ang 114 reams ng hinihinalang smuggled cigarettes na nakalagay sa likurang bahagi ng motorsiklo at may tinatayang halagang ₱89,581.


Ayon sa beripikasyon ng Bureau of Customs, ang mga sigarilyo ay pinaniniwalaang ipinuslit mula sa Indonesia.


Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng pulisya at ituturn-over sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon.


Samantala, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code, Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act, at Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warnings Law.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page