2 suspek patay, isa arestado matapos mauwi sa putukan ang pagsisibli ng Warrant of Arrest sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, MDN; 1 pulis at 2 miyebro ng Philippine Marines, sugatan sa operasyon
- Teddy Borja
- Oct 15
- 1 min read
iMINDSPH

Ala 5:00 ng umaga kanina nang ikasa ng pinagsanib na pwersa ng PNP at Philippine Marines ang pagsisilbi ng Warrant of Arrest laban sa isang alyas “Krega” sa Sitio Lalaog, Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Ang target ay kabilang sa Top 1 Most Wanted Municpal Level at Top 4 Most Wanted Provincial Level.
Ayon sa awtoridad, dalawang grupo ang nagsilbi ng Warrant of Arrest.
Dalawang miyembro ng Marine Battalion Landing Team 5 ang sugatan sa pagsabog.
Nasawi si alyas “Krega” sa palitan ng putok habang dead on arrival naman umano sa ospital ang isang suspek na si alyas “Piong”.
Dito nasugatan ang isang police captain na Deputy Chief of Police ng bayan habang naaresto ang isang alyas “Bari”.
Ayon sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police, nakumpiska mula sa posesyon ni alyas “Krega” ang isang Bushmaster Rifle, isang magazine, handheld radio, weighing scale, canister, belt bag at limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 34 thousand pesos.
Habang nakuha naman umano sa posesyon ni alyas “Bari” ang isang M16 rifle, caliber .45 pistol, cellphone, airsoft gun, bandolier, suspected shabu na nasa tinatayang limang gramo.



Comments