top of page

₱20.1 MILLION SMUGGLED CIGARETTES, NASABATNg awtoridad matapos maharang sa checkpoint sa Parang, Maguindanao del Norte; Driver, arestado

  • Mar 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasabat ng mga awtoridad ang hinihinalang smuggled cigarettes sa isinagawang intelligence-driven checkpoint operation alas-6:30 ng umaga, araw ng Biyernes, sa Pinantao Detachment ng bayan.


Naaresto ang 42-anyos na driver na residente ng Dipolog City matapos itong hindi sumunod sa standard checkpoint procedures.


Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa umano’y transportasyon ng kontrabandong sigarilyo mula sa Lanao del Sur.


Naharang ang isang orange at silver na wing van truck na kargado ng 345 master cases o katumbas ng 17,250 reams ng iba’t ibang uri ng sigarilyo.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 o Resistance and Disobedience to a Person in Authority ng Revised Penal Code.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page