top of page

₱20.3 milyong halaga ng umano’y puslit na sigarilyo, nasamsam ng awtoridad sa ikinasang operasyon sa Zamboanga City

  • Teddy Borja
  • Oct 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasabat ng awtoridad ang 20.3 million pesos na halaga ng umano’y smuggled cigarettes sa ikinasang operasyon laban sa smuggling.


Nasabat ang umano’y mga kontrabando sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City, noong Oktubre 23, 2025.


Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng City Intelligence Unit (CIU) ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), katuwang ang Regional Special Operations Group (RSOG), PRO9, at ZCPS12.


Nakumpiska ng mga awtoridad ang kabuuang 355 master cases ng pinaniniwalaang smuggled na sigarilyo.


Ang mga nasabat na kontrabando ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bureau of Customs para sa tamang disposisyon.


Pinuri ni PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga personnel na nagsagawa ng operasyon dahil sa kanilang maagap na aksyon at mahusay na koordinasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page