20-anyos na driver, arestado matapos makuhanan ng PHP 1,700,000 na halaga ng suspected shabu sa buy-bust operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang suspek na si alyas “Tats”.
Inaresto ito alas 12:30 ng hapon araw ng Linggo, April 6 sa Datu Poblacion, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nakuha sa operasyon ang 250 gramo ng hinihinalang shabu.
Ayon sa otoridad, sa Simuay Sultan Kudarat nais ng suspek na isagawa ang transaksyon pero inilipat nito sa DOS.
Narekober din sa operasyon ang isang motorisklo, at iba pang personal items.
Nasa kustodiya na ng otoridad ang naarestong suspek.
Comments