top of page

20 iba’t ibang uri ng armas, isinuko ng mga residente ng Talitay, Maguindanao del Norte sa pamunuan ng 1st Mechanized Battalion

  • Teddy Borja
  • Jan 20
  • 1 min read

iMINDSPH



Kabilang sa mga isinukong mga armas ay dalawang Sniper Rifle (Cal .50mm; Barret), pitong Rifle (7.62mm; M14), tatlong Rifle (Cal.30; M1 Garand), tatlong Grenade Launcher (40mm), isang Shotgun (12 Gauge), dalawang Pistol (Cal. 38; Revolver), isang Pistol (Cal. 22; Revolver), at iba’t ibang bala.



Ito ay resulta ng pinaigting na kampanyan kontra loose firearms at pinalalakas na Small Arms and Light Weapons o SALW management program ayon kay Lt. Col. Robert Betita, pinuno ng 1st Mechanized Battalion.


Ang turn-over ceremony ay isinagawa nitong Enero 18, 2025, sa Municipal Hall ng Barangay Poblacion, Talitay.


Ang nasabing mga armas ay iprenisinta ni Lt. Col. Betita kay Col. Ricky Bunayog, ang Acting Brigade Commander, 601st Infantry (Unifier) Brigade.


Dumalo sa seremonya si Talitay Mayor Sidik S. Amiril na sinaksihan naman nina PCMS Gene Anni ng Talitay MPS; Vice-Mayor Datu Fahad Midtimbang; kasama ang mga konsehal ng bayan, mga punong barangay at iba pang mga kawani ng LGU Talitay.


Nauna nang nagbabala sa mga humahawak ng hindi lisensiyadong baril si Lieutenant General Antonio G. Nafarrete, ang Commander ng 6ID, Joint Task Force Central at Western Mindanao Command na isuko ang mga ito sa otoridad dahil hindi aniya titigil ang tropa ng pamahalaan sa pagtugis sa mga nagdadala ng loose firearms.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page